Bello pumalag sa imbestigasyon ng PACC

By Jimmy Tamayo January 08, 2019 - 10:44 AM

Umalma si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ginagawang imbestigasyon sa kanya at 2 pang cabinet member ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Para kay Bello, unfair para sa kanya na agad isapubliko ang nasabing hakbanging lalot wala pa naman siyang natatanggap na kopya ng reklamo.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na dapat ay discreet ang ginagawang imbestigasyon ng PACC para maging patas sa lahat.

Nalaman lamang umano ni Bello sa news report ang nasabing aksyon at hindi man lang naabisuhan ng komisyon.

Kaugnay nito, inihayag ng kalihim na hihilingin niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pwesto si PACC Commissioner Manuelito Luna dahil aniya sa pang-aabuso sa kapangyarihan.

Bukod kay Sec. Bello, iniimbestigahan din ng PACC sina dating BOC Commissioner at ngayon ay TESDA Chief Isidro Lapeña at si Leonor Oralde-Quintayo ng National Commission on Indigenous People.

TAGS: Bebot Bello, DOLE, pacc, Bebot Bello, DOLE, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.