89% ng mga bilangguan ng BJMP sinertipikahang drug-free ng PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2019 - 09:44 AM

Ipinagmalaki ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na aabot na sa halos 90 percent ng mga bilanguan sa bansa ay ang maitituring nang drug-free facilities.

Ayon kay Jail Dir. Deogracias Carreon Tapayan, hepe ng BJMP, 89 percent ng 476 na mga bilangguan na nasa pangangasiwan ng ahensya ay sinertipakahang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tiniyak pa ni Tapayan na hindi sila titigil hanggang hindi naidedeklarang drug-free at contraband-free ang buong pasilidad ng BJMP.

Sinabi pa ni Tapayan na binibigyan nila ng iba’t ibang proyekto ang mga Persons Deprived of Liberties (PDL) habang nasa kanilang pangangalaga para malibang at maiiwas sa ilegal na droga.

Samantala, pinapurihan naman ni DILG Sec. Eduardo M. Año, ang BJMP sa pagsusumikap nitong maibsan ang siksikan sa mga bilangguan.

Ayon kay Año, nabawasan ang national congestion rate ng 120 %, mula sa dati nitong record na 612 % sa December 2017 ay bumaba na sa 488 % noong November 2018.

TAGS: BJMP, drug-free, PDEA, BJMP, drug-free, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.