UK nagpalabas ng travel advisory sa kanilang mga mamamayan para sa magaganap na Traslacion 2019
Nagpalabas ng travel advisory ang United Kingdom sa kanilang mga mamamayan kaugnay ng magaganap na Traslacion bukas, Jan. 9 sa Maynila.
Sa abiso ng UK, pinag-iingat nito ang mga mamamayan na nasa Pilipinas sa pagpunta sa Maynila sa Miyerkules, Jan. 9 dahil sa magaganap na prusisyon ng Itim na Nazareno na taunang dinarayo ng marami.
Nakasaad sa abiso na magsisimula ang aktibidad alas 5:00 ng umaga sa Quirino Grandstand sa Rizal Park.
Binanggit din ang mga lugar na daraanan ng prusisyon at sinabing maaring tumagal ng 22-oras ang aktibidad na dadaluhan ng milyong deboto.
Pinayuhan ng UK ang mga mamamayan nila na iwasan ang lugar.
Nakasaad din na kabilang ang Maynila sa maaring atakehin ng mga terorista at ang mga ito ay may kakayahang umatake at makapanakit anumang oras at araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.