Boystown sa Marikina City off-limits na sa media

By Chona Yu, Jong Manlapaz November 18, 2015 - 09:31 AM

Kuha ni Chona Yu
Kuha ni Chona Yu

Matapos mapabalitang dinala sa Manila Boystown Complex sa Marikina City ang mga Street dwellers sa Maynila, naghigpit na ng seguridad sa lugar.

Ang mga Street dwellers ay sinasabing ipinadala ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Boystown para maitago sila sa mga delegado at heads of state na nasa bansa dahil sa idinaraos na APEC leaders’ meeting.

Kahapon, personal na binisita ni Estrada ang mga street children na ipinasok sa nasabing pasilidad.

Ayon sa ilang house parents sa Boystown, aabot sa tatlong daang street children ang nasa kanilang koatudiya kasama na ang mga regular tenants.

Sumasailalim ngayon ang mga Street dwellers sa iba’t-ibang uri ng training para magkaroon ng normal na pamumuhay.

Ilan sa mga kabataan ay pinag-aaral sa computer learning center.

Ang 23 ektaryang Boystown center ay dating pag-aari ng mga madre at pari subalit kalaunan ay naiturn-over ito sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ang lokal na pamahalaan ng maynila ang nagpapasweldo sa mga volunteer at house parents na aabot sa isandaang katao.

Una nang itinuro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Corazon Soliman Estrada na siyang nasa likod ng pagdadala ng mga Street dwellers as Boystown.

Ayon sa kalihim ang pag-transfer sa mga Boystown sa mga pamilya na naninirahan sa lansangan sa Maynila ay pinasimulan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod.

Paliwanag pa ng kalihim na ang DSWD-National Capital Region ay nakipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office ng Maynila para tignan ang sitwasyon ng mga pamilya na dinala sa center.

Sinabi pa ni Soliman na kung nais ng pamilya na umalis na sa Boystown, tutulungan sila ng ahensya para muling maibalik sa komunidad.

Nagpaliwanag naman ang kalihim na wala silang intensyon na i-detain o itago ang mga Street dwellers, ang tanging nais lamang nila mabigyan sila ng sapat na serbisyo para maitiyak na hindi na muling babalik pa sa lansangan.

TAGS: Street Dwellers sent to Boystown in Marikina, Street Dwellers sent to Boystown in Marikina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.