Korte sa Sri Lanka, ibinasura ang panawagang isailalim sa mental health examination ang presidente ng bansa

By Rod Lagusad January 08, 2019 - 02:06 AM

Courtesy of AP

Ibinasura ng Court of Appeals sa Sri Lanka ang mga panawagang pagsasailalim sa mental health examination sa presidente nitong si Maithripala Sirisena.

Ito ay kasunod ng pagsibak ni Sirisena sa Prime Minister ng bansa at pagtanggal ng parliament nito.

Ang mga nasabing kautusan ay kalaunan ay binaliktad naman ng pinakamataas na korte ng Sri Lanka.

Ayon sa korte ay wala itong hurisdiksiyon para pwersahin si Sirisena na sumailalim sa pagsusuri.

Ang ‘mental infirmity’ ay grounds para sa pagtanggal sa isang nakaupong pangulo kung saan dapat nasa two-thirds ng
parliament ang sumang-ayon.

Kaugnay nito, walang koalisyon o party sa Sri Lanka ang may hawak ng majority.

TAGS: Maithripala Sirisena, Sri Lanka, Maithripala Sirisena, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.