Prusisyon ng mga replika ng Itim na Nazareno, hindi na natuloy
Hindi natuloy ang prusisyon ng mga replika ng Itim na Nazareno na nakatakda Lunes ng hapon.
Ang prusisyon na ikinukunsiderang prelude o aktibidad bago ang traslacion sa Miyerkules ay nakatakda sana alas 1:00 Lunes ng hapon.
Bagkus ay nagsagawa na lamang ang mga pari ng pagbabasbas ng mga replika ng Poong Nazareno.
Binasabasan ang nasa mahigit 100 replika ng Itim na Nazareno na ang iba ay galing pa sa mga probinsya at dinala sa harap ng Quiapo church.
Ayon sa organizers ng pista ng itim na Nazareno, ang tanging prusisyon na magaganap ngayong taon ay sa Miyerkules o ang taunang traslacion.
Sa pagtataya ng Manila Police District, nasa pagitan ng 300,000 at 500,000 ang mga deboto sa pagbasbas ng Black Nazarene replicas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.