Ilang non-profit organizations front ng money scam ayon sa AMLC

By Jan Escosio January 07, 2019 - 06:26 PM

AFP PHOTO / TED ALJIBE

Ibinunyag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na nagagamit ang ilang non-profit organizations (NPOs) sa bansa para sa mga ilegal na aktibidad.

Sa isinagawang ‘risk assessment’ ng AMLC noong nakaraang taon, higit sa P600 Billion na halaga ng mga transaksyon ng katiwalian ang naiulat sa nakalipas na limang taon.

Nabanggit din sa ulat na karaniwan ay mga ‘service type’ NPOs ang ginagamit sa money laundering at ang mga ito ay sangkot sa kawanggawa, agrikultura, edukasyon at livelihood at karamihan ay naka-base sa Metro Manila.

Nagagamit din ang sa paggalaw ng  pondo ng mga teroristang grupo.

Binubusisi na ngayon ng AMLC ang 7,518 suspicious transaction reports (STRs) na isinumite ng mga bangko, na may hawak ng mga accounts ng NPOs, eskuwelahan, bahay kawanggawa at foundations mula 2012 hanggang 2017.

Sa mga ulat, ang lahat ng transaksyon ay nagkakahalaga ng P625.68 bilyon.

Malaking bahagi rin ng kuwestiyonableng halaga ay kasama sa nabunyag na pork barrel scam noong 2013, kung saan ang pondo ng ilang mambabatas ay diumanoy nailagak sa mga pekeng non government organizations (NGOs).

Bukod pa dito, nagagamit din ang NPOs sa mga ‘invesment scams.’

TAGS: AMLC, BUsiness, front, money scam, ngo, non-profit organizations, AMLC, BUsiness, front, money scam, ngo, non-profit organizations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.