5,500 na twitter account ng ISIS, inatake ng hackers
Sinira ng hacker group na ‘Anonymous’ ang nasa 5,500 na Twitter accounts ng Islamic State group na responsable sa Paris attacks.
Ito ang kinumpirma ng grupong ‘Anonymous’ sa pamamagitan ng tweet, isang araw matapos nitong ilunsad ang kanilang #OpParis campaign na layong i-shut down ang social media accounts ng ISIS.
“We report that more than 5500 Twitter account of #ISIS are now #down! #OpParis #Anonymous #ExpectUs,” ayon sa twitter post.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang ‘Anonymous’ kung paano nila napabagsak ang nasabing mga accounts.
Nauna nang tiniyak ng ‘Anonymous’ hackers na maglulunsad sila ng major hack operation sa mga social media account ng Islamic state bilang ganti sa ginawa nilang pag-atake sa France.
Sinabi ng grupo na isasagawa nila ang long-running campaign laban sa Islamic State group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.