Walang banta ng tsunami matapos ang magnitude 7.0 na lindol sa Indonesia – Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2019 - 06:26 AM

Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami sa bansa matapos ang tumamang malakas na lindol sa Molucca Sea sa Indonesia.

Ayon sa Phivolcs, magnitude 7.0 ang naganap na lindol ala 1:27 ng madaling araw oras sa Pilipinas.

Wala umano anumang banta ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas bunsod ng nasabing pagyanig.

Samantala, ibinaba naman ng USGS sa magnitude 6.6 ang nasabing lindol.

Wala ring inilabas na tsunami warning sa mga baybayin ng Indonesia matapos ang malakas na lindol.

Bagaman nag-panic at nagtakbuhan palabas ng kanilang mga bahay ang mga residente ay hindi naman nagdulot ng pinsala ang pagyanig.

TAGS: indonesia, Molucca Sea, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, indonesia, Molucca Sea, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.