Babaeng nagtangkang tumangay ng isang bata sa Maynila, arestado

By Isa Avendaño-Umali January 06, 2019 - 09:26 AM

Arestado ng mga otoridad ang isang babae na nagtagka umanong dukutin ang isang 3-taong gulang na bata sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Charito Fernandez, 45-anyos.

Ang nabanggit na suspek ay naging viral sa social media noon dahil sa pagtangay umano ng mga bata at kasabwat daw nito ang mga kidnapper na nakasakay sa mga van.

Ayon sa Sta. Ana Police, nahuli si Fernandez kahapon (January 5), matapos ireklamo ng kidnapping.

Batay sa sumbong ng ama ng biktima, narinig niya ang iyak ng anak at nakitang sapilitang kinaladkad ni Fernandez ang bata.

Agad na hinabol ng tatay ang suspek at sa kabutihang palad ay nabawi nito ang kanyang anak.

TAGS: manila, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.