Renewal ng business permits sa QC inaasahang dudumugin sa susunod na linggo

By Den Macaranas January 05, 2019 - 07:45 PM

Handa na ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa pagdagsa ng mga magpapa-renew ng business permits ngayong buwan ng Enero.

Sinabi ni Quezon City Business Permits and Licensing Office Director Garry Domingo na aabot sa 75,000 mga business owners ang inaasahan nilang dadagsa sa Quezon City Hall simula sa Lunes.

Bilang paghahanda, magpapatupad sila ng pila per categories na pila depende sa iparerehistrong negosyo.

May inihanda na rin silang pila para sa senior citizens, mga buntis at PWDs.

Para makapag-lingkod sa mas maraming business owners ay magbubukas rin ang QCBPLO sa lahat ng weekends sa buwan ng Enero.

Base sa umiiral na ordinansa, buwan lamang ng Enero ang inilaan ng lokal na pamahalaan para sa renewal ng business permits.

Isa sa mga requirement sa pagpapa-rehistro ng negosyo sa lungsod ay dapat may CCTV ang lahat ng mga establishmento sa Quezon City.

TAGS: bplo, business permit, garry domingo, bplo, business permit, garry domingo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.