Road user’s tax pinagagamit ni Duterte sa pagbibigay tulong sa Usman victims

By Rhommel Balasbas January 05, 2019 - 06:30 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang road user’s tax na kinokolekta ng Road Board sa isinasagawang relief and rehabilitation efforts para sa mga biktima ng Bagyong Usman.

Sa situation briefing sa Camarines Sur na pinangunahan mismo ni Duterte, sinabi nito na ang road tax ay nagagamit lamang sa korapsyon at dapat nang buwagin ang Road Board.

Ang Road Board ang siyang ahensya ng pamahalaan na may tungkulin na magturo ng mga proyektong popondohan ng pera na galing sa road user’s tax o Motor Vehicle User’s Charge.

Giit ng presidente ang multi-bilyong pisong pondo ng Road Board ay maaring gamitin para tulungan ang mga lalawigan na sinasalanta ng mga bagyo.

Pinauuna na ni Duterte ang pagtulong sa Bicol Region.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 122 na ang nasawi dahil sa Bagyong Usman.

Pinakanasalanta ng bagyo ang Bicol Region kung saan naapektuhan ang 23,087 pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.