Bodega ng MMDA sa EDSA-Santolan flyover nasunog

By Rhommel Balasbas January 05, 2019 - 05:40 AM

Kuha ni Chris Osera | Radyo INQUIRER

Nasunog ang stock area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA-Santolan flyover sa Quezon City Biyernes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sumiklab ang apoy bandang alas-10:24 ng gabi.

Partikular na nasunog ang mga nakatambak na karton at kahoy at maging ang isang kotse.

Wala pang 15 minuto o alas-10:37 ay agad na naapula ng mga bumbero ang apoy kaya hindi na nagtaas pa ng alarma ang BFP.

Inaalam na ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok na mga kagamitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.