Daraga Mayor Baldo, nagsauli na ng armas sa PNP
Isinuko ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo sa Philippine National Police (PNP) ang tatlo sa kanyang apat na armas.
Si Baldo ang itinuturong mastermind sa pamamaslang kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.
Inanunsyo ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsuko ni Baldo sa kanyang mga armas matapos niyang ipag-utos noong Huwebes ang pagbawi sa mga lisensya ng mga baril at permit to carry firearms ng opisyal.
Ani Albayalde, isinuko ang mga baril sa Provincial Police Office.
Sinabi anya ni Baldo na matagal nang nawawala ang kanyang isa pang baril kaya’t tatlo lang ang kanyang isinuko.
Nauna na ring inirekomenda ng PNP ang pagtanggal sa superbisyon at kontrol ni Baldo sa lokal na pulisya ng Daraga.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año, magsasagawa ang National Police Commission ng en banc meeting para pag-usapan ang rekomendasyong alisin ang deputation ni Baldo sa local police.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.