Orange warning itinaas ng PAGASA sa ilang bahagi ng Visayas dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan
Nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan ang ilang bahagi ng Visayas.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 3:20 ng hapon, itinaas nito ang orange warning level sa Central Cebu, Southern Cebu, Southern Leyte at sa Bohol.
Ito ay dahil ilang oras nang nararanasan ang malakas na buhos ng ulan sa nasabing mga lugar.
Tail end ng cold front ang umiiral na weather system na nagpapaulan sa nabanggit na mga lugar.
Inabisuhan ng PAGASA ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagragasa ng tubig at sa pagguho ng lupa.
Muling maglalabas ng rainfall warning ang PAGASA mamayang alas 7:00 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.