Pagbagal ng inflation noong Disyembre, good news ayon sa Malakanyang
Welcome sa Malakanyang 5.1 percent inflation noong December 2018.
Tiniyak ng Palasyo sa publiko na hindi magiging kampante ang gobyerno para mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang inflation rate noong nakaraang buwan ay ang pinakamababa mula June 2018 kung kailan naitala ang 5.2 percent.
Ito ang unang pagkakataon mula noong August 2018 na ang inflation rate ay bumaba sa 6 percent level.
Noong September at October ay umabot sa nine-year high 6.7 percent ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Kaya sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magandang balita ang naturang figure.
Ito anya ay dahil sa pag-intindi ni pangulong rodrigo duterte sa dynamics ng ekonomiya ng bansa at ang kaukulang aksyon nito bilang solusyon sa paghihirap ng mga mamimili.
Binanggit ni Panelo ang Administrative Order No. 13 ng pangulo na nagpadali sa proseso ng pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura gaya ng bigas.
Gayundin ang memorandum order numbers 26,27 at 28 ng pangulo na nakatulong mag-stabilize ng mga presyo ng mga agriculture at fishery products at mapanatili ang kanilang supply.
Asahan anya ng publiko na patuloy na magtatrabaho ang pamahalaan para tugunan ang inflation na nagpapahirap sa mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.