BI sa mga mambabastos sa kanilang immigration officers: Maari kayong ipa-blacklist sa Pilipinas

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 02:45 PM

Nagbabala ang Bureau of Immgration sa mga dayuhan sa bansa na hindi rumerespeto at nambabastos sa kanilang mga opisyal.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, sinumang nagpapakita ng pambabastos sa mga immigration officer nila ay maaring maipa-blacklist na sa Pilipinas.

Ginawa ni Sandoval ang pahayag matapos kumalat ang mga balita na nanigaw at nagmura ang aktor na si Tony Labrusca ng immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang bigyan lang umano si Labrusca ng 30 araw para manatili dito sa Pilipinas.

Pero sa inilabas na abiso ng BI, hindi naman nito tinukoy kung si Labrusca ang pinatutungkulan ng kanilang babala.

Kasabay nito, nagpaalala ang BI sa publiko na ang sakop lamang ng “Balikbayan Privilege” ay ang mga dating Pinoy na naging naturalized citizen sa nasabing bansa, kanilang asawa at kanilang anak na bibiyahe kasama nila.

Sa ilalim ng nasabing privilege ay bibigyan sila ng isang taon para makapanatili sa Pilipinas.

Sa kaso ni Labrusca, wala itong Philippine passport, hindi ipinanganak sa Pilipinas at hindi kasama ang magulang nang siya ay dumating sa NAIA.

TAGS: Tony Labrusca, Tony Labrusca

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.