Pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge tuloy na sa Jan. 12 – MMDA
Itutuloy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasara ng Estrella-Pantaleon Bridge na nagdudugtong sa Makati at sa Mandaluyong City.
Ito ay matapos ipagpaliban ang closure ng tulay na dapat sana ay noon pang Sept. 2018.
Ayon sa MMDA, tuloy na sa Jan. 12, alas 8:00 ng umaga ang simula ng closure ng tulay para maisailalim ito sa rehabilitasyon.
Gigibain ang tulay at saka magtatayo ng panibago na mas malapad o apat na linya na.
Base sa timeline, aabutin hanggang 2011 ang kontruksyon ng tulay.
Noong isinara ang tulay noong Sept. 2018 maraming motorista ang naperwisyo at nagdulot ito ng matinding traffic sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.