BSP Gov. Espenilla naghain ng medical leave para magpagamot sa ibang bansa

By Dona Dominguez-Cargullo January 04, 2019 - 09:40 AM

Naghain ng medical leave si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor A. Espenilla Jr.

Epektibo ang leave ni Espenilla mula ngayong araw, Jan. 4 hanggang sa Jan. 21, 2019.

Nakasaad sa abiso ng BSP na ipinadala sa mga mamamahayag, magpapagamot sa ibang bansa si Espenilla bilang bahagi ng treatment program ng kaniyang sakit.

Habang naka-leave si Espenilla, magsasalitan sina Deputy Governors Diwa Guinigundo at Maria Almasara Cyd Tuaño-Amador bilang OIC sa BSP.

Si Espenilla ay na-diagnose na mayroong tongue cancer.

TAGS: BSP, Nestor Espenilla, tongue cancer, BSP, Nestor Espenilla, tongue cancer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.