Budget Sec. Benjamin Diokno no-show sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa anomalya sa budgeting system

By Erwin Aguilon January 03, 2019 - 11:38 AM

No-show sa pagdinig ng House Committee on Rules sa mga kinukwestyong proyekto na nakuha ng iisang kontraktor si Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa pagsisimula ng pagdinig sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na ipinatawag ng kanyang komite ang mga resource person upang malaman ang mga mali sa ginagawang practice ng DBM.

Iginiit din nito na hindi sina Pangulong Rodrigo Duterte at DPWH Sec. Mark Villar ang nasa likod ng budget insertion.

Sa kanyang opening statement ipinakita nito ang mga datos na maraming mga proyekto tulad ng flood control project ang napunta sa lugar na hindi naman ito kailangan.

Sa loob anya ng tatlong taon na si Diokno ang budget secretary aabot na sa P332B ang ginagamit para sa mga flood control projects.

Present naman sa pagdinig ang may-ari ng CT Leoncio Construction Trading na si Consolacion Leoncio na sinasabing nakakuha ng multi-milyong pisong mga proyekto.

TAGS: benjamin diokno, House Committee on Rules, benjamin diokno, House Committee on Rules

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.