Justice Noel Tijam magreretiro sa pwesto sa Jan. 5
Magreretiro na sa Sabado, January 5, 2019 si Supreme Court Associate Justice Noel Tijam.
Bukas, araw ng Biyernes, January 4, isang retirement ceremony ang inihanda para kay Tijam.
Pangungunahan ni Chief Justice Lucas Bersamin ang seremonya para bigyang pagkilala si Tijam na naitala sa Korte Suprema ni Pangulong Duterte noong March 8, 2017.
Nauna nang nagsumite ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Duterte para sa ipapalit kay Tijam sa pwesto.
Kasama sa listahan ang 10 nimonado kabilang sina SC Court Administrator at Spokesman Jose Midas P. Marquez, Court of Appeals (CA) Associate Justices Manuel M. Barrios, Japar B. Dimaampao, Amy C. Lazaro Javier, Ramon A. Cruz, Ramon R. Garcia, Mario V. Lopez, at Apolinario D. Bruselas Jr.; Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang at dating Ateneo de Manila University law dean Cesar L. Villanueva.
Mula sa Jan. 5, mayroong 90 araw ang pangulo para makapaghirang ng bagong mahistrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.