Bilang ng sugatan sa pagsalubong sa Bagong Taon patuloy na nadaragdagan, ayon sa DOH

By Ricky Brozas January 03, 2019 - 09:50 AM

Bagaman mas malaki ang ibinaba ng mga nasugatan sa paputok kumpara sa pagsalubong noong 2017 at 2018, patuloy pa rin na nadaragdagan ang bilang ng mga nasugatan sa selebrasyon ng 2019.

Mula sa 236 kahapon (Jan. 2), ay umakyat na sa 288 ang fireworks related injuries na naitala ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 21 hanggang Enero 3.

Sa huling report ng DOH, 27 ang nadagdag sa National Capital Region; lima sa Region VI, VII at III; tatlo sa Region I, XII at IV-A at isa sa Region IX.

Sa kabuuang bilang, 2 ang insidente ng fireworks ingestion, 230 ang nasabugan, 10 sa mga naputukan ay kailangang isailalim amputation at ang 76 ay nagtamo ng eye injury.

Pangunahing dahilan ng insidente ang mga ipinagbabawal na boga, kwitis, piccolo, triangle, lusis at 5-star.

Nasa edad 2 hanggang 75 ang mga nasugatan na karamihan ay lalake.

Sinabi ni Heath Secretary Francisco Duque III, ang datos ng nasugatan ay mas mababa pa rin ng (218 kaso) 43% kumpara sa bilang ng kaso ng fireworks-related injury noong 2018.

TAGS: department of health, firecracker related injuries, Paputok, department of health, firecracker related injuries, Paputok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.