Alex Cabagnot hindi makadadalo sa unang mga laro ng PBA 2019

By Justinne Punsalang January 03, 2019 - 12:19 AM

Kakailanganin munang magpagaling ni Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen matapos niyang sumailalim sa operasyon matapos magtamo ng nose injury.

Kaya naman sa pagbubukas ng PBA 2019 ay hindi makapaglalaro sa unang mga laban ang point guard ng Beermen.

Ayon kay Cabagnot, kailangan niya munang magkaroon ng clearance mula sa mga doktor upang malaman kung maayos ba ang paggaling ng kanyang ilong.

Dagdag pa nito, tatlong buwan siya dapat magsuot ng mask na magpoprotekta sa kanyang inoperahang ilong.

2016 pa nang matamo ni Cabagnot ang injury matapos makabanggaan si Cliff Hodge ng Meralco Bolts sa isang laro.

Ngunit dahil sa kanyang mga commitment sa pagiging assistant coach ng University of the Philippines Fighting Maroons para sa UAAP at pagiging bahagi ng Gilas Pilipinas na lumaban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ay kinailangan niyang ipagpaliban ang operasyon.

Dahilan ito upang bahagyang mahirapan ang mga doktor at tumagal ang procedure.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.