2.5 milyong deboto, inaasahan sa 2019 Traslacion ng Itim na Nazareno
Inaasahan ng pulisya sa Metro Manila na aabot sa 2.5 milyon ang mga deboto na dadalo sa prusisyon kaugnay ng pista ng Itim na Nazareno sa January 9.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar, magsisimula ang traslacion dakong 5:00 ng umaga kung saan ang mga deboto ay maglalakad ng 6.1 kilometro mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.
Taon taon ang prusisyon ng Black Nazarene kung saan mula Luneta Grandstand ay ibinabalik ang imahen sa simbahan ng Quiapo sa Maynila.
Sa 2018 traslacion, inabot ng 23 oras ang prusisyon bago naibalik ang Itim na Nazareno sa simbahan.
Sinabi ni Eleazar na kasado na ang seguridad ng ibat ibang ahensya para sa matiwasay at ligtas na 2019 traslacion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.