VP Robredo, binisita ang bayan ng Sagñay, Camarines Sur na naapektuhan ng landslide

By Rod Lagusad January 02, 2019 - 04:33 PM

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang bayan ng Sagñay sa Camarines Sur na lubhang naapektuhan ng landslide dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman.

Namahagi si Robredo ng financial aid at mga relief goods sa mga biktima ng pagguho ng lupa.

Ayon sa pangalawang pangulo, handa silang tumulong sa mga naapektuhang mga residente.

Sa kasalukuyan ay nasa 30 bangkay na ang nakuha sa lugar.

Hindi na rin inaasahan na may makukuha pang mga survivor sa landslide.

Dahil sa pananalasa ng bagyo ay isinailalim ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte at Albay sa state of calamity.

TAGS: camarines sur, landslide, Leni Robredo, camarines sur, landslide, Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.