Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng dalawang magkasunod na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo January 02, 2019 - 08:08 AM
Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.
Ang lindol at naitala ng Phivolcs sa 163 kilometers southeast ng Governor Generoso alas 6:07 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 2.
Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 123 kilometers.
Samantala, alas 6:11 naman ng umaga muling nakapagtala ng magnitude 3.1 na lindol sa parehong bayan.
Ang ikalawang pagyanig ay naitala sa 125 kilometers Southeast ng Governor Generoso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.