Bata binugbog hanggang sa mapatay ng ina sa Cebu

By Justinne Punsalang January 02, 2019 - 12:38 AM

Stock photo

Mahaharap sa kasong parricide ang isang ginang matapos masawi ang kanyang anak dahil sa kanyang pambubugbog sa bayan ng San Remegio, Cebu.

Batay sa panayam ng Cebu Daily News kay SPO3 Joe John Ynot, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nainis ang ginang na si Thelma Cabataña sa anak na si Kent Joseph dahil ayaw umano nitong uminom ng gamot para sa kanyang lagnat noong araw ng Linggo, December 30.

Sinasabing pinalo nang pinalo ni Cabataña ang anak hanggang sa mahulog ito sa unang palapag ng kanilang bahay.

Kinabukasan ay personal na dinala ni Cabataña ang walang buhay na katawan ng anak sa North Funeral Homes para ma-embalsamo.

Nang makita ng embalsamador ang puro pasang katawan ng bata, naghinala ito at tumangging embalsamuhin ang katawan. Sa halip ay tumawag siya at humingi ngtulong sa mga otoridad.

Sa ngayon ay hindi pa maisailalim sa autopsy ang bangkay ng bata dahil hinihintay pa ang consent ng kanyang ama, na nabatid na hiwalay kay Cabataña.

Ayon kay Ynot, kung pagbabasehan ang mga pasa sa katawan ng bata, posibleng sobrang pambubugbog ang ikinasawi nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.