Duterte, ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang security aide sa Rizal

By Angellic Jordan January 01, 2019 - 10:18 AM

Contributed photo

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng patas at mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ng security aide ng dating mambabatas sa Cainta, Rizal.

Napatay si Richard Santillan, security aide ni dating Biliran Rep. Glenn Chong, matapos makipagpalitan umano ng putok ng baril sa mga pulis.

Si Santillan ay naging aide ni Chong sa loob ng 11 taon.

Sa inilabas na pahayag, kinondena ng Palasyo ng Malakanyang ang naganap na insidente.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nais ipaimbestiga ng Punong Ehekutibo ang kaso hanggang sa makulong ang mga salarin at utak ng krimen.

Pahayag ng Calabarzon police, miyembro umano ng isang crime group si Santillan at subject sana sa police operation na nagresulta sa kaniyang pagkamatay noong December 10, 2018.

Ayon sa pulisya, bumibiyahe si Santillan kasama ang tatlong iba pa nang harangin ng Highway Patrol Group sa Barangay San Andres, Cainta bandang 1:00 ng madaling araw.

Wala umanong conduction sticker at registration ang sasakyan nitong Toyota Fortuner.

Sa halip na sumunod sa inspekyon, humarurot umano ang sasakyan dahilan para habulin ng pulisya.

Samantala, duda si Chong sa mga naging pahayag ng pulisya ukol kay Santillan.

TAGS: richard santillan, richard santillan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.