Palasyo sa mga Pinoy: panatilihin ang pagkakaisa sa 2019

By Angellic Jordan January 01, 2019 - 08:41 AM

Sa pagpasok ng 2019, hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na panatilihin ang pagkakaisa para sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagbigay ng mas komportableng buhay sa mga Pilipino.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang Bagong Taon ay isang oportunidad para mag-reflect sa
mga naging karanasan at pagsubok sa buhay.

Aniya pa, panahon ito para maunawaan ang leksyon upang maging handa sa mga susunod na pagdadaanan sa buhay.

Hiniling din ng Malakanyang ang masaya, mapayapa at masaganang Bagong Taon para sa mga Pilipino.

TAGS: New Year 2019, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, New Year 2019, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.