Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Usman, pumalo na sa 71 – NDRRMC
Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Usman.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 71 katao ang bilang ng mga nasawi habang 12 ang sugatan bunsod ng nagdaang sama ng panahon.
Maliban dito, 17 katao naman ang napaulat na nananatiling nawawala sa ngayon.
Ayon sa ahensya, patuloy ang pagbeberipika sa mga nakakalap na datos.
Bandang 6:00 pm ng December 31, 2018, aabot sa 30,469 na pamilya o 128,982 na indibidwal ang apektado sa 321 na barangay sa Calabarzon, Mimaropa, at Regions 5 at 8.
Lubha ring naapektuhan ang 92 na road sections at tatlong tulay sa Mimaropa at Regions 5, 6 at 8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.