Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa Davao Occidental
By Angellic Jordan January 01, 2019 - 07:41 AM
Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Martes ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 244 kilometers sa Timog-Silangang bahagi ng Sarangani.
Tumama ang lindol dakong 7:09 ng umaga.
May lalim ang lindol na 41 kilometers at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang sira at aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.