Tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa Davao Oriental, Martes ng umaga.
Batay sa datos ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 42 kilometers Southeast sa bayan ng Governor Generoso dakong 6:18 ng umaga.
May lalim ang lindol na 24 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Matatandaang huling niyanig ng lindol ang lugar noong December 30, 2018 na may lakas na magnitude 7.2
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.