Positibong pananaw ng mga Pilipino sa 2019, welcome sa Malakanyang

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 04:32 AM

Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañan ang resulta ng latest Social Weather Stations (SWS) survey na nagsabing 92% ng mga Pilipino sasalubungin ang 2019 nang may pag-asa.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagiging optimistic ng mga Pinoy sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, patunay lamang ang survey na walang epekto sa nakararami ang pambabatikos at negatibong kritisismo sa Dutetre administration.

Ibinida pa ni Panelo ang mga achievements ng pangulo gaya ng pagsasakatuparan ng Build, Build, Build program ng pamahalaan at pagbaba ng kriminalidad sa buong bansa.

Kumpyansa ang kalihim na mananatili ang suporta ng publiko sa mga proyekto ng gobyerno ngayong 2019.

Umaasa rin aniya siya na makikita na ng mga kritiko ng pangulo ang progresong naibibigay nito para sa bansa.

TAGS: Malacanan, New Year, SWS, Malacanan, New Year, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.