DENR, ikinatuwa ang pagkansela ng Okada sa New Year’s Eve balloon drop event

By Justinne Punsalang January 01, 2019 - 04:14 AM

Masaya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa nagong desisyon ng Okada Cove Manila na kanselahin ang nakatakda sanang balloon drop even para sa pagdiriwan ng Bagong Taon.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang pasya ng Okada ay magsisilbing halimbawa para sa iba pang mga establisyimento.

Kasunod nito ay hinimok ni Cimatu ang publiko na laging isaisip ang anumang gawain na maaaring makaapekto sa kalikasan.

Umani ng batikos ang Cove Manila matapos ianunsyo ang naturang event na ayon sa marami ay magdudulot lamang ng dagdag na basura.

Samantala, ang iba pang establisyimento gaya ng Peninsula Manila ay sinundan ang desisyon ng Okada at sinabing hindi na rin nila gagawin ang kanilang nakatakdang taunang balloon drop.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamununan ng Peninsula Manila na ang naturang desisyon ay upang tuparin ang kanilang Sustainable Luxury Vision 2020.

TAGS: balloon drop, DENR, okada, balloon drop, DENR, okada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.