LOOK: Mga saradong kalsada para sa prusisyon ng Birheng Maria sa Maynila
Naglabas na ang Manila Police District (MPD) ng listahan ng mga lugar kung saan magpapatupad ng road closure at traffic rerouting para sa prusisyon ng Birheng Maria.
Mamayang alas-5 ng hapon magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila at babalik sa Quiapo Church.
Dahil dito ay nakasara ang mga sumusunod na kalsada:
– Southbound lane ng Quezon Quezon Boulevard sa bahagi ng Quiapo, mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda
– Eastbound lane ng CM Recto Avenue mula Rizal Aveenue hanggang S.H. Loyola Street
– Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street
Kaugnay nito, naglabas ang Manila District Traffic Enforcement Unit ng mga alternatibong ruta:
– Lahat ng sasakyang manggagaling sa España Boulevard patungong Roxas Boulevard/South Pier Zone/Taft Avenue ay inaabisuhang kumanan sa P. Campa, diretso ng Fugoso Street, at diretso sa destinasyon.
– Lahat ng sasakyang dadaan ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza Street ay inaabisuhang kumanan sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue, at diretso sa destinasyon.
– Lahat ng sasakyang dadaan ng eastbound lane ng CM Recto mula sa Divisoria ay inaabisuhang kumanan sa Rizal Avenue, at diretso sa destinasyon.
– Lahat ng sasakyang dadaan ng S.H. Loyola Street mula sa Balic-Balic area patungong Quiapo ay inaabisuhang kumanan sa CM Recto Avenue, at diretso sa destinasyon.
Paalala ng mga otoridad, ang pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada ay nakadepende sa daloy ng prusisyon ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.