PRC, doble kayod sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Usman
Doble kayod ang mga staff at mga volunteers ng Philippine National Red Cross (PRC) sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Usman.
Kasama na rin dito ang pagtulong sa pagsasaayos ng mga daang naharangan nung kasagsagan ng paghagupit ng bagyo.
Ayon sa Chairman nito na si Sen. Richard Gordon, ito ay para matulungan ang mga nangangailangan sa mga sobrang napuruhan ng bagyo.
Pinapurihan din ni Gordon ang mga volunteers sa kanilang walang kapaguran na pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Sa datos ng PNRC Operations Center (OpCen) ay aabot sa 10,825 na katao ang nanatili sa 72 evacuation centers sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Northern Samar at Western Samar. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.