May pagkukulang ang pamahalaan sa matinding traffic na dulot ng APEC
Dismayado si House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa matinding daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng kalakhang Maynila dahil sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC leaders’ meeting.
Ayon kay Castelo, bagama’t batid ng lahat na isang malaking event ang APEC, napaka-unfortunate na naabala at nadismaya ang mga mamamayan.
Para kay Castelo, ang “lack of planning at information” ang ilan sa mga rason kung bakit naranasan ng publiko ang mala-bangungot na trapiko.
Aminin man o hindi, sinabi ni Castelo na may pagkukulang talaga ang pamahalaan kaya maraming “APECtado” ng naturang okasyon.
Kahapon, umaga pa lamang ay napilitan ang maraming commuter na maglakad na lamang dahil hindi umuusad ang mga sasakyan na naipit sa grabeng trapiko.
Karamihan sa mga apektado ay mga commuter mula sa Cavite, na tiniis ang mahabaang lakad mula Coastal Road para lamang makatungo sa kanilang destinasyon.
Dahil sa APEC leaders’ summit na magtatagal hanggang Biyernes, bawal dumaan ang mga sasakyan sa Roxas Boulevard at iba pang lansangan na malapit sa PICC at iba pang APEC venues.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.