Thanksgiving procession ng Black Nazarene sa Quiapo, inabot ng halos 10 oras.
Gaya ng taun-taong panata ng milyun-milyong deboto ng itim na Poong Nazareno, muling dumagsa sa Quiapo, Maynila ang libu-libong Hijos at mga namamanata sa Mahal na Poon para sa taunang Thanksgiving procession.
12:00 ng hating gabi nang simulan ang prusisyon ng Poong Nazareno na iniikot sa mga kalye ng Quiapo.
Inabot ng halos 10 oras bago muling nakabalik sa Simbahan ng Quiapo ang Imahen ng Itim na Nazareno.
Para sa mas maayos na pagbabalik ng andas ng Mahal na Poon, ipinuwesto ng Manila Police District (MPD) ang mga tauhan nito sa magkabilang linya sa harap ng simbahan mula sa gate nito.
Bahagya pang lumakas ang ulan ilang sandali bago tuluyang makapasok sa simbahan ang imahen.
Sinalubong ng masigabong palakpakan ang pagbabalik ng imahen ng Itim na Nazareno sa Basilika Minore.
Ilang kalye ang pansamantalang isinara sa Quiapo na agad din namang binuksan matapos ang Thanksgiving procession.
Inaasahang muling dadagsa ang mas maraming deboto sa tauhang Traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9 ng susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.