NCRPO muling nagpaalala vs indiscriminate firing, ilegal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon

By Angellic Jordan December 31, 2018 - 10:27 AM

Inquirer file photo

Muling hinikayat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko laban sa indiscriminate firing at ilegal na paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na sakaling may makitang umiinom na may baril, nagpaputok nito at gumagamit ng ilegal na paputok ay agad ipagbigay-alam sa mga istasyon ng pulisya.

Katuwang ng NCRPO ang mga lokal na pamahalaan para tutukan ang mga nag pagbebenta at paggamit ng paputok.

Agad aniyang magkakasa ng hot pursuit operation para arestuhin ang sinumang mahuli nito.

Ayon sa opisyal, posible kasi magresulta ang stray bullet sa pagkamatay o pagkasugat ng mga tao.

Dagdag pa ni Eleazar, sisiguraduhin ng mga pulis na nakabantay sa mga lansangan na magiging maayos ang selebrasyon sa Bisperas ng Bagong Taon.

Nagpaalala rin ang opisyal sa mga maaaring tawagang numero: 09158888181 at 09999018181.

TAGS: ilegal na paputok, indiscriminate firing, NCRPO, New Year 2019, ilegal na paputok, indiscriminate firing, NCRPO, New Year 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.