Bilang ng mga sugatan dahil sa paputok, umakyat na sa 55
Umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa bisperas ng 2019.
Sa monitoring ng Department of Health (DOH), siyam ang panibagong kaso ng fireworks-related injuries.
Ang pinakahuling bilang ay naitala mula 6:00 ng umaga ng December 30 hanggang 6:00 ng umaga ng December 31, 2018.
Partikular ang firecracker-related injuries sa mga sumusunod na lugar:
Region VI – 4 kaso
Region VII – 1 kaso
Region I – 1 kaso
Region III – 1 kaso
Region VIII – 1 kaso
Region XII – 1 kaso
Apat dito ay naitala sa Region 6 at tig-isang kaso sa Regions 7, 1, 3, 8 at Region 12.
Ayon sa DOH, 50 porsyento pa rin itong mababa kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017 at 75 porsyento itong mas mababa sa 5-year average period.
Sa 55 na fireworks-related injuries, 50 dito ay pawang lalaki na may edad 2 hanggang 69-anyos.
Ilan naman sa mga sangkot na paputok sa disgrasya ay ang mga sumusunod:
Boga – 14
Triangle – 6
Kwitis – 6
Piccolo – 3
5-star, Baby Rocket, bawang, camara, at luces – 2
Pinakamarami ang nabiktima ng boga at mayroon pa ring mga nasabugan ng ipinagbabawal na piccolo.
32 sa mga biktima ay nasabugan at nagtamo ng mga paso.
Lima naman ang kinailangang putulan ng daliri, 19 ang mayroong eye injury at dalawa ang nakalubok ng pulbura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.