74% ng mga Filipino naniniwalang mas mabuting magbigay ng regalo kaysa tumanggap – SWS

By Rhommel Balasbas December 31, 2018 - 02:09 AM

Tatlo sa bawat apat na Filipino ang naniniwala pa ring mas maigi ang magbigay kaysa tumanggap base sa pinakabagong survery ng Social Weather Stations (SWS).

Sa resulta ng survey na inilabas kahapon ngunit isinagawa noon pang December 16 hanggang 19, lumalabas na 74 percent ang naniniwala na mas mabuting magbigay ng regalo ngayong Christmas season kaysa sa tumanggap.

Twenty-two percent lamang ang nagsabing mas maigi na tumanggap ng regalo.

Bagaman mas mataas ang bilang ng nagsabing mas maiging magbigay, ang bilang ay record-low o pitong puntos na mas mababa sa record-high na 81 percent noong 2017.

Ang pitong puntos na pagbaba sa buong bansa ay dahil sa bawas na 16 points sa Visayas, 8points sa Balance Luzon,1-point sa Metro Manila habang 3 points ang itinaas sa Mindanao.

Ayon pa sa SWS, Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming nagsabi na mas maigi na magbigay ng regalo ngayong Pasko sa 84 percent.

TAGS: It's better to give according to 74 percent of Filipinos, SWS, It's better to give according to 74 percent of Filipinos, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.