Package na may lamang liquid marijuana nasamsam ng Customs sa Pasay
Nakumpiska ng Bureau of Customs – NAIA ang 51 pirasong liquid marijuana na nakasilid sa ink cartridges sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Ayon sa BOC, galing ang package mula sa Santee, San Diego, California at idineklarang ‘Pen Ink Cartridges’ at mga candies.
Naghintay ang BOC-NAIA ng tatlong araw para i-claim ng consignee ang package.
Dito nila nahuli ang isang menor de edad na babae.
Nai-turn over na ang batang babae sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency, Pasay Youth Home ng Pasay City local government at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Muling nagpaalala ang ahensya na ang Marijuana ay kasama sa uri ng mga ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pangangalakal ng nasabing droga ay paglabag din sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.