Duterte, hindi nakadalo sa Rizal day rites dahil pinagpahinga ng doktor – Palasyo
Nagpaliwanag ang Palasyo ng Malakanyang sa hindi pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Day rites sa Davao City, Linggo ng hapon.
Nakatakda sanang pangunahan ni Duterte ang flag raising at wreath-laying ceremony sa ika-122 taong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Davao.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, inabisuhan si Duterte ng kaniyang doktor na magpahinga at ipagpaliban muna ang seremonya.
Ito ay bunsod aniya ng sunud-sunod na trabaho at iskedyul ng Punong Ehekutibo kasama ang mga out of town trip.
Dahil dito, humalili sa nakatatandang Duterte ang kaniyang anak at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.