Buwaya, nakuha sa isang palayan sa Oriental Mindoro
Nahuli ang isang buwaya sa binahang palayan sa Calapan City, Oriental Mindoro Linggo ng umaga.
Unang nakita ni Sanjoe Abjero ang buwaya na lumalangoy sa palayan sa bahagi ng Barangay Sta. Isabel.
Agad ipinagbigay-alam ng bata ang nakita sa mga matatanda.
May habang limang talampakan ang buwaya at may bigat na 40 kilo.
Dadalhin naman ang buwaya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Binaha ang ilang bayan sa naturang lalawigan matapos ulanin dulot ng low pressure area na dating Tropical Depression “Usman.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.