3 weather systems, magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw
Patuloy na makararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) na dating ang Bagyong Usman, tail-end of a cold front at ng Hanging Amihan.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 240 kilometro Hilagang-Kanluran ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Ngayong araw, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA dahil sa epekto ng LPA at ng tail-end of a cold front.
Dahil naman sa Amihan, aasahan din ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay generally fair weather ang panahon maliban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Dahil naman sa Anihan, nakataas pa rin ang gale warning o ipinagbabawal ang paglalayag sa buong baybaying dagat ng Luzon, hilagang baybaying dagat ng Palawan at Silangang baybaying dagat ng Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.