Bilang ng mga stranded na pasahero, bumaba na sa higit 8,000
Bumaba na ang bilang ng mga stranded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na paghina at paglayo ng low pressure area na dating Tropical Depression “Usman” sa bansa.
Sa 4:00 pm update ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 8,848 na pasahero na lang ang nananatiling ipit sa mga pier.
Narito ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan:
Central Luzon – 155
Southern Tagalog – 1,988
Western Visayas – 244
Bicol region – 6,434
Inabisuhan pa rin ang lahat ng PCG unit na siguraduhin ang istriktong pag-iimplementa ng HPCG Memorandum Circular Number 2-13 o guidelines sa galaw ng mga barko tuwing mayroong sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.