Ilang bayan sa Laguna, binaha at nawalan ng kuryente dahil sa “Usman”
Nagdulot ng pagbaha ang Tropical Depression “Usman” sa Famy, Laguna.
Sa ulat mula sa Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa Calabarzon, tumaas ng tatlong talampakan ang baha sa Barangay Batuhan.
Dahil dito, pansamantalang isinara ang ilang kalsada sa lugar.
Ilang puno ang bumagsak dahil sa lakas ng hangin.
Bunsod nito, nawalan ng kuryente ang ilang residente sa bayan ng Cavinti.
Samantala, sa Mimaropa region, nawalan din ng suplay ng kuryente ang Marinduque province, Sabado ng umaga.
Sa Cajidiocan, Romblon naman apat na pamilya na may 22 katao mula sa mataas na lugar ang inilikas sa isang eskwelahan sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.