Higit P30,000 halaga ng ilegal na paputok, kinumpiska ng NCRPO sa Divisoria
Mahigit P30,000 halaga ng mga ilegal at walang permit na paputok ang nakumpiska ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Divisoria, Sabado ng umaga.
Nagsagawa ng inspeksyon si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar sa mga tindahan ng mga paputok habang papalit ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Kabilang sa listahan ng PNP ang mga ilegal na paputok tulad ng piccolo, watusi, Giant Whistle Bomb, Giant Bawang, Large Judas Belt, Super Lolo o Thunder Lolo, Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo, Pillbox, Boga, Kwiton, Goodbye Earth o Goodbye Bading, Hello Columbia, Coke In Can, Kabasi, Og att iba pang unlabeled at imported na paputok.
Sinumang mahuling lumabag sa Republic Act No. 7183 o batas sa pag-manufacture, pagbenta at paggamit ng paputok ay magkakaroon ng multang aabot sa P20,000 hanggang P30,000 at pagkakakulang ng anim na buwan hanggang isang taon.
Makakansela ang lisensya at business permits ng mga tinderong nagbebenta ng mga ilegal na paputok.
Maliban dito, kukumpiskahin din ng mga pulis ang stock ng kanilang mga tinda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.