Tsunami alert, itinaas ng Phivolcs sa ilang lalawigan sa bansa
Naglabas ang Phivolcs ng tsunami warning matapos tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental. Sabado ng hapon.
Sa abiso ng Phivolcs, inaasahang magdudulot ang lindol ng tsunami sa ilang baybayin ng Pilipinas.
Inabisuhan na maging alerto at maingat ang mga residente sa sumusunod na lalawigan:
– Compostela Valley
– Davao Del Norte
– Davao Del Sur
– Davao Oriental
– Davao City
– Sarangani
– South Cotabato
– Agusan Del Norte
– Agusan Del Sur
– Surigao Del Norte
– Surigao Del Sur
Ayon sa Phivolcs, posibleng tumama ang unang tsunami sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 2:00 ng hapon.
Sinabi rin ang mga residente na lumayo sa mga beach at baybayin sa mga nasabing oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.