Patay ang tatlong miyembro ng pamilya nang matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Barangay San Francisco, Legazpi City Albay.
Nangyari ang pagguho dakong alas-2:30 ng madaling araw ng Sabado (Dec. 29) pero bandang alas-4:00 na ng umaga ng makuha ang katawan ng mga biktima.
Ang walang tigil na pag-ulan mula kahapon ang itinuturong sanhi ng pagguho.
Ang mga pag-ulan sa Bicol Region ay dahil sa epekto ng Bagyong Usman na ngayon ay isa na lamang low pressure area (LPA).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.